Tanong, Tanong at Tanong

Simula po ng i-announce ni Bro. Resty ang info tungkol sa job openings dito sa Vietnam ay inulan po ako ng e-mails at text messages. Humihingi po ako ng paumanhin kung hindi ko nasasagot ang inyong mga katanungan. Hindi ko po kasi kayang sagutin ang lahat ng inyong tanong ng sabay-sabay. Kayat minabuti ko po na i-post sa aking blog ang mga usual questions, na dati ko ring tanong... Sana po ay pagpaumanhinan nyo ako sa aking mga pagkukulang... ssD po and Good luck sa inyong job hunting...

A. LOCATION

* Saan po ba ang Vietnam?
- Ang Vietnam po ay kabilang sa mga bansa sa Southeast Asia, na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng Pilipinas (tingnan ang mapa.) Delay po ng isang oras compare sa Philippine time (+7 GMT). Ito ay isang komunistang bansa. Sampung porsyento lamang ang mga katoliko o sinasabi nilang kristiyano at majority pa rin ang sumasamba kay buddah kanilang mga ninuno o ancestral worship. Vietnamese ang main language nila na binubuo ng english characters subalit napakahirap bigkasin sapagkat may 6 na tono. Maliit na bilang lamang ang nagsasalita ng English kaya naman in na in ang mga language schools dito.

* Ano po bang hitsura ng Vietnam? May gyera pa rin po ba sa bansang yan? - Matagal na pong tapos ang gyera. Sa ngayon ang Vietnam ay pinauunlad ng ibang bansa kagaya ng Japan, Taiwan, Korea, Europa, Russia at marami pang iba.
*Saan po ba kayo dyan sa Vietnam? - Nandito po kami sa Ho Chi Minh City na matatagpuan sa southern part ng Vietnam. Ito ang pinaka developed na city dahil sa dami ng mga investors at developers. (Please refer to pictures gallery). Hanoi ang capital ng Vietnam na matatagpuan sa hilagang bahagi. Napakalayo ng Hanoi mula dito, 24 hours by train at 2 hours by plane.

* Bakit po pinili ninyong dyan mag trabaho at hindi sa mismong capital city? - Ito po ay sa kadahilanang mas maraming job opportunities dito para sa amin at mas marami pong pinoy sa dakong ito. Sa kasalakuyaakarami ring turista ang dumadagsa rito araw-araw upang maranasan ang buhay sa Asya. Karamihan sa mga turista ay European, American, Japanese, Korean, Chinese at marami pang iba.

* Hindi po ba delikado dyan? - Hindi naman po kapatid, di naman po ipapanawagan ni Bro. Resty kung mapanganib dito. Nakarating na sya dito not only once, but twice ( parang pamilyar). Hindi rin naman po kami magtatagal dito kung delikado.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
B. Trabaho

*Anu-ano po bang trabaho ang pwedeng pasukan dyan? - Kagaya po ng nabanggit na ni Bro. Resty, kailangan po ng mga teachers dito at engineers. Mababang bilang po kasi ng mga Vietnamese ang marunong ng ingles. Madami din pong projects na ginagawa ang mga investors so kelangan din ng mga engineers.

*Paano po ako makakakuha ng trabaho dyan? - Karamihan po sa amin ay nagpunta muna at dito na naghanap ng trabaho. (internal hiring). Kung gusto nyo pong maghanap muna ng trabaho bago kayo pumunta dito ay mag-apply kayo online sa mga ibinigay kong website. Online application ang karaniwan dito. Kaya lang mas malaki ang chance mo na matanggap if nandito ka na mismo.

*Kung pupunta po ba ako dyan, siguradong may trabaho akong makikita? Gaano katagal naman akong maghahanap ng trabaho? -Depende po kapatid. Sa awa po ng Dios lahat ng kapatid dito ay may trabaho. Yun nga lang sa dami ng mga kakumpitensya ay inaabot din ng halos isang buwan o mahigit pa bago ka makakita ng trabaho.

*Paano naman po ang pagpunta dyan? Kelangan po ba ng visa? -Kabilang po ang Vietnam sa mga bansang kasapi sa ASEAN, samakatuwid free visa entry tayo sa mga bansang member nito. Sa Vietnam, may free visa entry tayo na 21 days, ibig sabihin di mo na kailangang pumunta sa embassy ng Vietnam para mag-appy ng visa. Basta may ticket ka, go na go ka na dito. Kung balak mo namang magtagal dito, pede ka na ring mag-apply ng visa sa Vietnam Embassy sa Pilipinas. It's your choice kung anong type ng visa ang kukunin mo.

Vietnam Embassy in The Philippines Add: 554 Pablo Ocampo str.Malate, Manila Tel: 525 2837, 521 6843; Fax: 526 0472 Consulate: 524 0364

*Paano kung ma-expire na ang 21-day free visa entry? -Maari po kayong magpa-extend ng visa sa mga private tour companies dito. Ang halaga po ng visa ay depende sa type na gusto mo.

~~6 months single-entry > $75
~~6 months multiple-entry > $110

* Anu-ano po ang qualifications at requirements sa mga job openings dyan? - Pede po kayong refer sa mga website na binigay ko, syempre kung engineer ka, kelangan tapos ka ng engineering, may lisensya at experience. Kung marami kang experience, mas madali kang makakuha ng trabaho. Nakalagay naman po sa website nila ang kelangan nyong ipasang requirements.

-Kung teacher naman ang gusto mong pasukan, maraming requirements ang hinihingi lalo na sa mga school. Mas magandang ipa authenticate nyo muna ang inyong mga documents sa CHED, Malacañang at Vietnam embassy upang mas madali kayong matanggap. Sa mga language schools, nagrerequire sila ng certification kagaya ng TOEFL, IELTS, o TESOL. Kung makakakuha kayo nyan sa Pinas mas malaki ang chance nyo na matanggap kaagad.

- Kung gusto mo namang maging private tutor, mas malaki ang market sa mga Koreans. Mas mataas kasi silang magbayad. Kagaya ng sabi ni Bro Resty, may kapatid na kumikita ng $10 per hour. It depends sa qualification mo at sa ability mo na makapagturo ng English. Di naman kelangan na kuhang-kuha mo ang American accent. Huwag ka lang mag-sound na English carabao. May ilang Pinoy na teachers dito na ganyan, nakakahiya naman sa mga students diba? Sabi nga ni Bro Eli, paano po ituturo ang isang bagay kung di mo alam. So hindi lang basta-basta ang pagtuturo. Malaking bahagi ang gagampanan mo sa tinuturuan mo, at iyon ang matatandaan nya hanggang sa pagtanda nya. Mas mahirap turuan ang bata dahil sa ikaw ang magiging kasangkapan sa foundation ng kanyang pagkatuto.

*Magkano naman po ang pede kong kitain if matanggap ako sa trabaho? - Depende po school o kompanyang pinasukan ninyo. Iba-iba po ang offer nila. Usually po sa mga tutorials kumikita kami ng from 7.5 to 10 USD per hour. So, ang monthly income mo ay depende sa oras ng ipinagturo mo. Mas marami mas malaki. May mga ibang schools na per month ang salary nila. Gaya nung isang kapatid dito, 1 month is 450 USD. Ang advantage lang po sa school is stable ang salary mo, unlike sa tutorial, walang class walang pera. Minsan may time na bakasyon so wala ka ring kita. Sa mga engineering jobs naman, maaari nyo pong makita sa mga websites na binigay ko dahil nandun na rin po kung magkano ang sweldo.

*Nagbibigay ba ng working visa ang mga employers? - Depende po kapatid, karamihan sa amin ay walang working visa kasi po tutorials naman kami at walang employer. Di naman po delikado kasi marami namang kompanya ang di rin nagbibigay ng working visa. Business visa ang gamit namin so ibig sabihin may purpose ang stay namin dito.

C. ACCOMODATION
* Saan po ako pwedeng tumuloy if pupunta ako dyan? -
Nasa inyo po yun. Medyo mahal ang mga hotels dito. May mga guest houses dito na pwede po kayong tuluyan, nasa 150-200 USD po ang isang kwarto dito per month. Reasonable din ang kumuha ng bahay lalo na't isang grupo kayo. Yun nga lang you need more money para pang advance.

*Pwede po ba akong makituloy sa lokal ? - Pwede po kapatid. Yun nga lang po ay pansamantala lamang. Mahigpit po ang Vietnamese law patungkol sa pagtira ng mga foreigner sa bahay. Limited po ang pwedeng tumira sa bahay. Pagdating nyo po dito, kelangan namin kayong irehistro sa pulis upang maitala ang pangalan ninyo sa presinto. Naka monitor po ang bawat tao na titira sa isang lugar. Yan po ang batas ng komunista. If mahuli po nila kayo sa isang bahay na natutulog at di rehistrado, magbabayad po kayo ng multa. Minsan po ay nagroronda ang mga pulis sa kalagitnaan ng gabi at pinapasok ang mga bahay ipang bilangin kung ilan ang nakatira sa isang bahay. Mayroon pong listahan ng lahat ng nakatira sa isang bahay na kung tawagin ay "pink book". If wala ka sa listahan, kukunin ang "arrival departure card" mo upang tubusin sa presinto. Kaya po ang maipapayo namin sa mga kapatid na ibig pumunta dito ay maging handa ang kalooban. Hindi naman po sila gumagawa ng masama laban sa iyo. Marami pong mga hotel dito na mas safe tuluyan ng mga turista. Di po namin kabisado ang kanilang batas pagdating dyan. Pero di naman po delikado. Basta sumunod ka lang sa batas nila, walang magiging problema.

* Di po ba mahirap dumalo ng pagkakatipon dyan? - Bawal po ang hayag na pagpapahayag ng relihiyon dito. So, ang pagkakatipon po ay patago. Di po tayo rehistrado sa bansang ito, at mas magiging komplikado if magpaparehistro pa tayo. Di naman po delikado kasi, di naman tayo maingay magkatipon. Di pa rin halata kasi magkakapit bahay lang kami at di pa ganong kadami. Araw po ng Sabado ng paglubog ang pagkakatipon dito at prayer meeting after ng pasalamat. Yung mga kapatid na di nakakadalo ng satuday dahil sa trabaho, may replay po tayo ng Sunday.

Useful links

JOB HUNTING GUIDE:

Narito po ang ilang useful links that will guide you in your job hunting here in Vietnam, particular na sa Ho Chi Minh City. First, you have to know what kind of place you're going to stay. Kaya mo bang makipamuhay kasama ng mga Vietnamese? Anong hitsura nila? Ano ba ang ugali nila? Anyway, it doesn't matter, mahalaga makakita ka ng trabaho at makatulong sa mga mahal sa buhay. So take your time to look and analyze the following websites...

www.hochiminhcity.gov.vn/eng


www.vietnamworks.com


PAALALA:

Hindi po kami ang maghahanap ng trabaho para sa inyo... Kung may bakante po sa mga schools, maaari namin kayong ma-inform, pero ang procedure ng application ay kagaya din sa Pinas, kelangan mong mag-appear for interview. No need po na i-email nyo sa akin ang mga resume nyo. Direct na po kayong magpasa sa mga employers na makikita ninyo sa mga websites na nakapost sa site na ito.


~~~JOB OPENING INQUIRIES~~~

Gandang araw po sa inyo mga kapatid!

Simula po ng i-announce ni Bro. Resty ang job openings dito sa Vietnam ay inulan na ako ng e-mails at text messages. I don't have that much time upang masagot po ang lahat ng inyong mga katanungan kung "ano" at "papaano". So, I came up with this idea na i post sa blog ko ang ways, do's and dont's at mga information about Vietnam. In a few days, matatapos ko na po, wait lang po mga kapatid and goodluck sa inyong job hunting.

Visit nyo rin po ang www.vietnamworks.com para sa iba pang job openings.

Bro Amiel